Topic Outline & Assigned Readings
Historical Background: pp 4-39 (V.Enriquez)
Early Philippine Psychology
The indigenous Psychological Tradition
American Colonial Psychology
Early American Psychology
Indigenizing of Psychological Tests
The Meeting of East and West
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino: pp 5-31 (Pe-Pua)
Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon
Ang kabuluhan ng Sikolohiya
Kailangan ba ng Sikolohiyang Pilipino ng Sarili nitong Kasaysayan?
The Filipinization of Personality Theory (V. Enriquez) pp 59-79
Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino: pp 45-83
Ilang batayan para sa isang sikolohiyang Pilipino
Is there a Filipino Psychology?
Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan
Ang Kamalayan at Kaluluwa: Isang paglilinaw sa Kinagisnang Sikolohiya
Ang Agham ng Sikolohiyang Pilpino: pp 99-139
The limits of western social research methods in rural Philippines
The limits of applicability of western concepts, values and methods in the social sciences
Towards cross-cultural knowledge through cross-indigenous methods
The Case for an indigenous Psychology
Kapwa and the Struggle for Justice, Freedom and Dignity pp 41-57 (V. Enriquez)
Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik: pp 155-174
Tungo sa Makapilipinong Pananaliksik
Pakapa-kapa: Paglilinaw ng isang konsepto sa Nayon
Pakapa-kapa as an approach in Philippine psychology
Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik: pp 175-193
Ang pagtatanung-tanong: Dahilan at katangian
Pakikipagkwentuhan
Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik: pp 194-208
Pagdalaw at Pakikipagpalagayang-loob
Pakikisama as a method: a study of a subculture
Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik: pp 209- 240
Pakikipanuluyan
Indigenous Research Methods: Evaluating First Returns
The challenge of making a scientific indigenous field research
Midterm Examination
Gamit ng Sikolohiyang Pilipino: pp 284 -323
Management, Pinoy Style
Ang Patalastas at ang Sikolohiyang Pilipino
Filipino Religious Psychology
Ang Sikolohiyang Pilipino at ang Edukasyon
Mga Tanong na Pangtalakayan
I
- Paano nauugnay at naiiba ang kahulugan ng sikolohiyang batay sa wika
a kulturang Pilipino na ibinigay in Enriquez sa karaniwang pakahulugan
ng sikolohiya bilang pag-aaral ng kilos at kaisipan?
- Bakit kailangang linangin ang sikolohiyang batay sa karanasan, kaisipan
at oryentasyong Pilipino? Kung lilinangin ang sikolohiyang para sa Pilipino
na Pilipino lamang ang bumubuo, ito ba ay masasabing may kinikilingan?
Paano makakatulong ang di-Pilipino sa pagpapaunlad nito? Ano ang karapat
dapat na tunguhin ng sikolohiyang Pilipino?
- Kailan dapat bigyan ng pagpapahalaga ang pag-unlad sa sikolohiya sa
ibang bansa? Kailan naman ito maituturing na mali? Magbigay ng halimbawa
ng teorya mula sa isang industriylisadong bansa na masasabing hindi
angkop sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig?
- Ano ang kahihinatnan kung hindi magpag-iba ang tatlong anyo ng sikolohiya
sa kontekstong Pilipino? Magbigay ng iba pang halimbawa ng iba’t ibang
uri ng konsepto ng sikolohiyang Pilipino?
- Paano makakaambag ng kamalayang pangrehiyon sa pagbuo ng sikolohiyang
Pilipino na bahagi naman ng pagpapaunlad ng sikolohiyang unibersal?
- Hindi pa gaanong maunlad ang literatura hinggil sa kasaysayan ng sikolohiyang
Pilipino. Kung kayo ay naatasang magsulat ng kasaysayan nito, anong
mga materyal ang inyong isasama sa balangkas na inyong gagawin?
II
- Taong 1965 nang ilathala ang papel in Samson na "Is there a Filipino
Psychology?" Kung sa kasalukuyang panahon lumabas ang tanong na
ito, paano mo ito sasagutin?
- Ibigay ang lahat ng posibleng batayan ng Sikolohiyang Pilipino, at
magbigay rin ng halimbawa para sa bawat isa.
- Ipaliwanag ang katangiang panloob at panlabas ng mga konsepto hinggil
sa kamalayan. Bakit mahalagang maunawaan ito?
- Magbigay ng halimbawa ng mga kaugaliang ayon sa pagkakauri ni Samson
ay native, dominantly native at dominantly foreign.
III
- Ano ang kaibahan ng indigenization of theory and methodology sa indigenization
of content sa Sikolohiyang Pilipino? Talakayin ito kaugnay ng konsepto
ng cultural validation at cultural revalidation.
- Ano ang epekto ng kasalukuyang kalakaran sa sikolohiyang kros-kultural
sa pagbuo ng sikolohiyang unibersal? Paano mababago ang sitwasyong ito?
Ano ang papel na ginagampanan ng mga haka-haka at emikong (kultural
specific) karanasa’t konsepto sa pag-unlad ng isang teoryang kros-kultural?
- Ano ang pinakamalaking problema ng mga taga-Ikatlong Daigdig hinggil
sa indigenization? Paano ito malulutas? Ano ang kaibhan ng "indigenization
from within" sa indigenization from without." ? Magbigay ng
halimbawa ng isang paksa at ipakita kung paano maisasakatuparan ang
dalawang prosesong ito.
IV
- Talakayin ang mga isyung sosyo-politikal na kinakaharap ng isang mananaliksik
sa larangan sa paggamit ng mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos
sa Pilipinas.
- Isang pangunahing puna tungkol sa katutubong metodo ay kung paano
ito aktwal na maisasagawa. Talakayin ang mga mekanismo sa aktwal na
pagdalaw-dalaw, pakikisama, pagsubaybay, usapan at kuwentuhan at iba
pa. Paano mo masisiguro ang kalidad ng datos at mainam na pagtutunguhan
ng mananaliksik at tagapagbatid kung limitado ang oras na nakalaan para
sa proyekto, nang hindi masasakripisyo ang pagiging siyentipiko ng metodo?
- Tama bang magsagawa ng pananaliksik nang ikinukubli o hindi ipinapaalam
sa tagapagbatid o kalahok ang tunay na layunin ng pananaliksik? Talakayin
ang isyung etikal kaugnay ng deception (panlilinlang) sa makapilipinong
pananaliksik.
- Ano ang mga obligasyon ng mananaliksik sa kanyang kalahok o sa komunidad
nag kanyang kalahok? Kung kailangan na niyang umalis, ano ang dapat
gawin ng mananaliksik ngayong alam na niya ang labis na kahirapan at
mga suliranin ng komunidad?
- Ano ang mga indikasyon sa kilos at pananalita na nagpapahiwatig ng
antas ng pagtutunguhang kinalalagyan ng mananaliksik at kalahok? Halimbawa,
paano mo malalaman kung nakikisama lamang o kaya’y palagay na ang loob
ng tagapagbatid sa mananaliksik? Ano ang epekto ng pagtutunguhan sa
datos na makukuha?
V
- Ipaliwanag kung paano makakatulong ang pag-unlad ng sikolohiyang Pilipino
bilang larangan ng pag-aaral sa katuparan ng mga pambansang aspirasyon
at kaunlaran? Sa kabilang dako, paano magagamit ang kaalaman sa sikolohiyang
Pilipino laban sa masang Pilipino? Ano ang magagawa upang maiwasang
maganap ang ganitong kalagayan?
- Gumawa ng isang realistikong pagsusuri at magmungkahi kung paano makakatulong
ang isang sikolohista sa paglutas sa ilang problema sa kasalukuyang
sistema na edukasyon sa Pilipinas.
- Ang sikolohista ay kadalasang nagsisilbi sa mga korporasyong transnasyonal
upang matulungang kumbinsihin ang mga Pilipino na bumili ng mga produktong
gawa ng mga korporasyong ito, kailangan man ng mamimili ang produktong
ito o hindi. Paano mababago ang papel ng sikolohista upang siya ay makatulong
sa pangangalaga ng kapakanan ng nakararaming Pilipino?
- Ano sa iyong palagay ang pangunahing suliraning sa lipunang Pilipino
sa kasalukuyan? Talakayin kung paano nakakatulong/ hindi nakakatulong
ang sikolohiya sa paglutas sa pangunahing suliraning ito. Paano mo ito
maihahambing sa nagawa ng ibang disiplina ng agham panlipunan?
- Ano ang papel ng sikolohiyang Pilipino sa kasalukuyang patakaran ng
pamahalaan ng pagpapadala ng Pilipino sa ibang bansa upang magtrabaho?
|